Mga Post

Naku po!

Matatakutin ba kayo? Naniniwala ba kayo sa mga multo, aswang, manananggal, dwende, kapre at kung anu-ano pang mga kahayupan sa mundo. LOL! Dahil lumaki kaming wala namang kuryente sa amin at hindi pa natatayo ang poste ng BATELEC or MERALCO kaya pagkagat ng dilim ang sabi ng mga matatanda may mga lumalabas daw na mga multo at kung anu-ano pa amin. Ayaw na ayaw ko dati paginutusan ako sa gabi na pa-aakyatin ako sa 2nd floor ng aming bahay (sosyal me 2nd floor ang bahay... kaso butas naman ang sahig na yari sa kawayan. LOL). Pagakyat mo sa 2nd floor ng bahay namin nasa sulok yung aparador na may salamin. Alam mo yung pakiramdam na may dala kang ilaw na de gas tapos pagdaan mo sa harap ng salamin biglang me lalabas na nakaputing babae tapos mahaba ang buhok... wwwhhhhhhhhhaaaaaaaaa... As in ayaw na ayaw ko yun... tapos yung bigla kang tatakbo na pakiramdam mo hinahabol ka na kahit anong bilis ng takbo mo bigla mo cya makikitang nasa tabi mo... hahahaha... I HATE THAT!! Ok fine duwag na...

Ulan

Umuulan na naman sa labas. Makikita mo ang bawat patak ng ulan na bumabagsak mula sa langit. Dahan-dahan hanggang tuluyan na itong bumuhos na tila walang katapusan. Dagli akong natigilan sa aking ginagawa at lumapit sa may bintana para pagmasdan ang mga patak ng ulan. Mula sa aking pagkakatayo, wari'y tumigil ang mundo at dinala ako sa panahon ng aking kabataan. Panahon ng kamusmusan at walang kamalayan. Panahon na simple at payak ang pamumuhay. Panahon na nangangarap na isang araw titigil din ang unos at muling sisikat ang panibagong pagasa ng buhay. Naalala mo pa ba noong huli kang tumakbo saliw sa malakas na buhos ng ulan? Ang bawat butil ng ulan na dahan-dahang pumapatak sa iyong mukha. Ang bawat halakhak na namumutawi sa iyong mga labi habang nagtatakbuhan kayo ng iyong mga kalaro saliw sa malakas na ulan. Tumakbo na tulad ng malayang ibon na lumilipad sa himpapawid na tila walang kapaguran. Ito ang panahong hindi mo iniisip ang bukas at problema ng buhay. Panahon ng iyong k...

Taklesa

Taklesa ang tawag sa mga taong walang preno ang bibig kapag nagbigay ng kumento. Walang pakialam kung sino ang kanilang masasagasaan. Hindi nila alam na nakakasakit na pala sila pero para sa kanila ay wala lang. TAKLESA!!! Ikaw ba ako? hahaha... Okay fine! may mga panahon na sobra akong taklesa.. ay mali pala... ulitiin natin... Halos araw araw ay may pagkataklesa ako... LOL!!! Walang preno kung magsalita na parang umaarangkadang jeep lang ang peg?? keber kung sinong masasagasaan na pakalat-kalat sa tabi ng kalsada! hahaha! Anyway, ngayong araw na ito ikukuwento ko sa inyo ang isa sa marami kong pagiging taklesa moment... hahaha.. (please wag ninyo akong husgahan... tao lang din lang ako na may limitasyon ang aking kakayahan sa buhay.. minsan ay marupok din sa mga kahinaan sa buhay... hahahaha..) Umattend kami ng bday party ng aming kaibigan at dahil matured na daw kami.. char!!! dapat pang-adults na din ang aming mga games. LOL! Kumusta naman tequila shots ang labanan... hahahaha....

Age Gap: Pag minalas-malas talagang malas!

Isa sa mahirap na kinakaharap ng mga nakakatanda ngayon (tulad ko) yung Age Gap. Yung kung paano ka makakasabay sa mga makabagong kabataan. Minsan hindi mo maiiwasang ma-compare noon at ngayon. hehehe!!! Parang noong college kami matanda na yung ibang titser tapos hindi na sila updated sa mga latest happenings na nangyayari sa mundo kya minsan nganga ang titser sa jokes ng mga estudyante. hehehehe. At yan ang kwento natin ngayon araw na ito. Reporting: Ang paboritong ipagawa ng mga tamad na titser sa kanilang estudyante. Na-noticed nyo ba ito? Pag-super tamad ang titser wala ng ginawa kundi ipa-report ang lahat ng laman ng libro sa buong klase tapos naka-upo lang si ma'am at kinabukasan quiz agad-agad. hahaha. Anyway, mayroon kaming titser noon sa Philippine Gov't and Constitution na super terror. Alam mong minor subject lang  pero feeling ata ng titser namin mag-la-law kaming mga ComSci na estudyante. Super serious ang titser namin, kilala siya na konti lang ang pumapasa sa ...

Let's Get Physical

I remember noong bata pa ako, the best talaga ang Recess time tuwing may pasok sa school. As in feeling ko noon para akong kabayong nakawala ako sa kwadra na takbo ng takbo na walang kapaguran. Ngayon nga iniisip ko bakit nga takbo ng takbo ang mga bata eh pwede namang lumakad lang. LOL! Pero bukod sa Recess like na like as in bet na bet ko ang PE. hahaha.. (wag kayong echochera, for sure paborito din ninyo ang PE classes). Pero dumating ba sa inyo yung panahon na ang PE ang kinatatakutan ninyong klase? Aba aba aba.. Let's Get Physical na!!! hahaha.. Noong High School ako mayroon kaming kinatatakutang PE Teacher. 'Neng, sa tindig pa lang ni ma'am talagang tatayo ang balahibo mo sa kaba. First year pa lang ako takot na ako sa kanya at umaasa akong hindi ko na siya magiging teacher sa mga susunod na taon. hahaha.. Hindi naman mukhang halimaw si ma'am, actually mukha siyang Kastila. Yung tipong masusungit na Kastila na pagnilalamig bigla na lang sisigaw: "SIMANG!...

Healing

Napansin ko lang na puro kalokohan ang sinusulat ko sa blog ko kaya siguro iniisip ng ibang tao puro katarantaduhan lang ang alam ko. hahaha.. Today, i-try kong sumulat ng medyo matinong bagay tungkol sa aking buhay. Noong nagdaang Sabado, sobrang sakit ng ulo ko bago kami pumunta sa bday ng anak ng isang kaibigan namin. Siguro dahil medyo mainit sa labas kaya sumakit ang ulo ko. Ako kasi yung taong kahit sobrang sakit na pinipilit ko pa din kayanin kaya sometimes akala ng iba okay pa ako pero in reality sobrang bad na ng aking pakiramdam. Isa lang ang aking reason kung bakit: Kung nasasaktan ako, kailangan ko din saktan ang sakit ko… LOL!!! na-gets nyo ba? hahaha… For example mayroon akong singaw, dahil sobrang sakit minsan lalo kong kinakagat util dumugo. LOL!!! MASOKISTA ba ang tawag doon? hahaha..  Eh bakit!? ako lang ba ang may karapatang masaktan? Dapat pati yung sakit ko masaktan para patas kami. LOL!!! **Weird pero totoo!** Anyway, noong sa bahay na kami ng kaibigan...

Birit sa Magdamag

  "Uyy Kulasa, pumunta ka nga dito! Alam mo ng nandito ang mga tiyahin mo kung saan-saan ka nagpupunta." ang sigaw ng kanyang ina. "Punta ka na sa harapan tapos kantahin mo yung kanta ni Celine Dinyun. Sige na, wag ka ng mahiya!" ang pilit ng ina ni Kulasa habang proud na proud sa anak. Nakakarelate ba kayo sa scenario na ito? Yung tipong sapilitan kang pakakantahin sa harap ng mga kamag-anak nyo. Sasabihin sa'yo.. KANTA... SAYAW.. TULA.. TAMBLING.. CHARTWHEEL... jusme kahit anong talento ipapagawa sa'yo na para ka lang magic tricks o puppet. hahahaha.. Pero ikaw naman pabibo din naman... hahaha.. susunod ka din!! UTO-UTO!!! hahahaha! Nang magsimula akong magtrabaho sa Singapore, dito ko napagtanto na ang tingin nila sa mga Pinoy ay walking Entertainment Showcase. "You Pinoy ah! Can sing and dance mah! so good leh! why ah?" (Tayo daw mga Pinoy, bakit daw tayo magaling kumanta at sumayaw). hahahaha... Parang pagkumanta ka sa simbahan.. w...

TAYTAY

Alam ba ninyo ba kung saan ang Taytay? Sa mga hindi pa nakakaalam sa Rizal province po ito. hehehe.. Ang susunod kong kwento ay hindi tungkol sa lugar na Taytay pero medyo malapit na ng konti. hahahaha..! Noong nag-aaral ako sa Maynila, pagumuuwi ako ng Batangas sumasakay lang ako ng bus sa Kamuning kasi wala naman kaming sasakyan noh.. jusme! pambayad nga sa tuition hirap na hirap kung saan kukunin… nangangarap pang magkaroon ng sasakyan? umaambisyon ang lolo mo? wag ganun! wag masyadong etchochera. LOL!  Pagbalik ng Maynila, pumapara lang bus sa kanto-kanto ng Tanauan. hahahaha… di uso ang bus stop neng… keri lang ikaway ang kamay tapos stop agad ang bus… hehehe.. pero ang mahirap lang dahil wala namang terminal ng bus sa Tanauan kaya pagdumaan ang bus from Batangas… jusme halos pagumuuwi kami… kapit lagi kami sa istribo. hahaha… imagine Tanauan-Manila… standing oblation (ovation) lang peg… parang UP lang!! ganun? Jusme kaya siguro malalaki ang aking binti kasi sanay sa m...

Huwag mong buhayin ang bangkay

Naala-ala nyo pa ba yung movie nina Jestoni Alarcon at Rita Avilla na Huwag mong Buhayin ang Bangkay?  Parang blog lang na ito. LOL! Namatay na pero nagbabalik loob ulet. hahaha!!! Halina't muli ninyong saluhan ang aking makitid na pagiisip... At sana ay hindi na ako tamarin magsulat ulet... hehehe.. nakakapagod kayang mag-isip ng story everyweek... Hindi ako makapaniwala since 2006 pa ako nagsusulat ng mga kalokohan ko sa buhay. hahaha.. Kung hindi lang sa ads sense di ko ulit ito bubuhayon... hehehehe... sana naman ay kumita ako dito sa aking kalokahan noh.. hehehehe.. kaya please share it with your friends or just open it everyday... hehehehe.. the more open this site the more chances of winning.. hahaha... Yun muna.. Thanks for visiting this site. hehehe

Anne-Bisyosa

Sa buhay natin dumarating yung tipong nangangarap tayo na alam naman nating di kya ng ating powers. Iyong kahit kapeng barako di ka na tatablan ng nerbiyos sa dibdib. LOL! AnneBisyosa lang ang peg?! Kape-kape din para kabahan pag may time! hahaha!!! Pero ganun pa man hindi natin maiiwasan na hindi dumaan ang ganitong pagkakataon sa ating buhay. Sample: Yung iba alam ng matigas ang kanilang katawan na kailangan ng ibabad sa kumukulong tubig pero GO pa din sa pagsayaw. (Renie Arcega ikaw ba ito? LOL!!!) Anyway, bata pa lang ako ay talaga namang wagas na aking Anne-Bisyon: Ang magkaroon ng katawang kanasa-nasa. LOL!!!  Yung tipong pagnaghubad ka ng damit sa ilog mapapa-tawit-wit ang makakakita sa iyong katawan na parang sinampalukan. (imagine hitsura ng sampalok... may curve-curve na parang muscle). LOL! I think, I was 22 ng mag-Anne-bisyon ako ng wagas kaya naman ng may mag-alok sa aking ng gym membership sa Kamuning, QC nag-sign-up agad ang mokong. hahaha. Pikit mata pa akong na...

Bantay Bata 163

Bago pa nagkaroon ng Bantay Bata 163, meron ng Humanda ka sa tatay mo Mamaya.hahaha!!! Sa mga kabataan ngayon siguro hindi na nila ito na experience pero masayang balikan yung panahon kung paano dinisiplina ng mga magulang ang kanilang mga anak. Halina't samahan ninyo akong silipin ang mga kahindik-hindik at nakakapangilabot na Humanda ka sa Tatay Mo Mamaya hotline. 1.) Tsinelas - nagbibigay ginhawa sa mga paa sa tuwing ikaw ay lumalakad sa labas, mapa-Rambo o Spartan naman yan. Pero anong daling isuot sa paa, siya din daling ipalo sa pwet ng batang matigas ang ulo at iyak ng iyak. hahaha... Yung tipong hahawakan ang bata sa braso sabay palo ng tsinelas sa pwet habang umiiyak ang bata. LOL!!! Classic na classic ang peg. INTENSITY: Hindi ito nagmamarka ng halukay ube sa pwet pero ang kakahihiyan mo sa kalaro mo yun ang mag-mamarka sa kanila dahil sa susunod na maglaro kayo sasabihin sa'yo: "ahh napalo sa pwet.. pwet pwet pwet.." hahaha!! 2.) Kurot at Patilya...

Kwentong Chekwa

Dahil Chinese New Year ngayon kaya dapat ang kwento ko ay nababagay sa okasyon. hehehe… haller dapat IN ang drama natin lagi noh!! "the NERD!" LOL! Anyway di naman masyadong bago ang kwento ko pero masasabi kong isa ito sa kwentong di ko malilimutan ng lumipat ako sa Singapore... Matapos ang aking higit 3 months na pagiging ampon ni Ate Bangs sa Tiong Bahru, nag-decide akong lumipat ng bahay kasama ang aking new found friend na si Hansel. hahaha.. Nakakatuwa ang kwento namin ni Hansel; noong magka-trabaho kami sa Citibank Makati magkatabi lang  kami ng upuan at ang nakakatawa pa hindi kami nag-uusap dalawa. LOL.. pero sabi nga pag nasa ibayong dagat ka na.. you are longing sa parehong lengwahe para hindi naman duguan ka araw-araw ka e-english noh… So noong nagkita kami ni Hansel sa SG at pareho kaming nakakita ng trabaho, we decided na mag-sama sa isang bahay sa bundok ng Anchorvale,Sengkang. Noon ilang pinoy lang kami sa Sengkang pero ngayon mga pinoy na ata ang nakatira...

PR501

Ang susunod kong kwento ay hindi nangyari sa abang lingkod ninyo pero ito ay pumukaw at nagmulat sa aking nahihimlay na diwa. Gumulat at nagpagimbal ng aking walang kabuhay-buhay na  araw. LOL! Ang bida sa ating kwento ay itago natin sa pangalang Rosita dahil paborito nya ang dating contestant sa Pinoy Dream Academy na si Rosita. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang karanasan noong una tayong naglakbay na malayo sa kanilang bayan o probinsya. Naalala ko dati dahil iisa lang ang jeep mula sa aming nayon at pag nagkasakay ka sa jeep at tuntong ka ng bayan, 'neng daig mo pa ang sikat na artista sa mga kalaro mo tapos ikukwento mo yung hitsura ng bayan (sorry medyo galing ako sa bundok kaya limited edition lang ang mga nakapunta sa bayan. hehehe). As in feeling ko dati super ganda na ng palengke ng Tanauan sa Batangas. hahahaha… =)) Balikan natin si Rosita. Nakakita ng trabaho si Rosita dito Singapore kaya naman dali-dali siyang lumipad bitbit ang kanyang maleta na laman ...

Soshalerang Froglet

Itong kwento kong ito ay tungkol sa dalawang tao na halos araw-araw kong nakikita. Isang tsuper ng taxi at ang taga-timpla na kape sa opisina. Nakakatuwang pakinggan ang kwento nitong dalawang ito as in super ibang level ang pagiging sosyal. Minsan kasi iniisip natin na ang pagiging sosyal ay sa pananamit lang nakikita pero wag ka hindi sa lahat ng pagkakataon sa pananamit ito masusukat. Yung iba nga branded ang damit ulam naman ay tuyo. hehehe. Yung tsuper ng taxi ay araw-araw ko itong sinasakyan pag pumapasok sa opisina. Bago pa lang mag-6am ng umaga na sa labas na siya ng lobby ng bahay at naghihintay sa akin. Simple lang kung iyong pagmamasdan pero sa loob ng halos tatlong taon naming magkasama araw-araw, lahat na ata ng pwede naming pagusapan ay napagusapan na namin… ultimong kasaysayan ng bansang ito.. naikwento na nya sa akin. LOL. (Konting Trivia: Dati pag sumakay ng taxi pwede pang me sumakay hanggang mapuno at ang ruta lang ay kahabaang ng Upper Serangoon. oh di ba!.. heh...

Medical Exam

Noong nagaaral tayo ang gusto natin lagi ay pumasa sa mga exams. Gusto natin ang marka natin ay laging A+, pero may isang exam na minsan gusto natin sana negative ang makuha para pumasa at ang tawag dito ay Medical Exam.  Matapos ang kontrata ko sa Jollibee, nakakuha ako ng trabaho as Salesman sa Fairmart Cubao at dahil mas sosyal na ito kesa sa Jollibee hindi lang basta-bastang Health Seminar ang iyong aattendan kundi kailangan mo pang kumuha ng Medical Exam.  Sinabihan na kami ng HR na bago pumunta ng headoffice nila dala na daw kami ng stool (tae) as specimen. From Cubao pumunta ako sa may likod ng Raon sa Quaipo kasi andoon ang headoffice ng Fairmart tapos ni-refer nila ako sa isang clinic sa may Taft Avenue. Me mga kasabayan ako ng panahon na iyo at dahil Mr. Friendship ang lingkod ninyo madami din akong nakilala along the way.  Anyway, dahil 17 years pa lang ako noon mukha pa akong yagit at dugyutin. LOL!!! Bitbit ko ang aking backpack na laman ay sandamak...

Pers Job Neber Dai

I was 16 sixteen when I started to work and before I landed my first job; a lot of funny moments ang aking na-experienced. It was a summer of 1995 when I got my first job as service crew in Philippines leading fast food chain (Jollibee).  Heto ang hinding-hindi na matatawaran na mga moments ko noon. Sa Jollibee Araneta Coliseum ako natanggap since sa malapit New York (hindi US kundi Cubao) ako nakatira: Ermin Garcia St to be exact. Bago ako punta sa interview ang dami ng mga reminders ni Ate Pilar that time (stage sister?? ganun??… hehehe..) at ang hindi matatawarang sagot sa tanong ng boss: Bakit kailangan mong magtrabaho? Wala bang trabaho ang mga kapatid mo at magulang mo? I’m telling you na-memorize ko na kung saang mata ako luluha pag tinanong sa akin ito. LOL!!! Kidding aside; simple lang ang sagot that time, sabi ko lang: I want to help my family. Hindi kami mayaman at kailangang kumita para may pantustos sa pag-aaral.  Pero mas wagas ang sagot ko ng tinanong ako k...

Gusto mong lumandi? Magtiis ka sa hapdi!

Noong bata pa lang ako lagi ko itong nadidinig ang line na ito sa kapitbahay namin (though mga pinsan ko lahat ang kapitbahay namin. LOL!)  “Ang kire-kire.. tingnan mo at sugat na naman ang tuhod mo!”, sabay kurot sa singit o di kaya sabay palo sa pwet. hahahaha! Alam ko medyo ancient ang aming mumunting nayon! Imagine noong bata pa lang ako lumaki na ako sa mga tapal tapal ng papel na may dagta ng chiko. Pag dinadala ako ng inay sa mga albulasyo kasi medyo sakitin ako noong bata; jusme sasabihin sa akin na duwende daw ako. As in memorize ko na yung mga orasyon ng mga albularyo, pero mas kilala ko si Ka Tasing sa may Sto. Tomas, Batangas. LOL! Wagas ang pang-gagaway ni Ka Tasing, kung ang ibang albularyo mga dahon dahon at tawas tawas.. lumelevel-up ang lola mo: ITLOG ang peg!! oh di bah! ibang level? Hindi mo naisip na pwede palang gamitin ang itlog sa panggagamot. LOL! Anyway, konting dasal.. konting kembot… sabay basag ng itlog sa isang plangganang tubig.. violah!!! alam na ...

Play Play pag may Time

Naaalala nyo pa ba ang mga laro noong inyong kabataan? Sa panahon ngayon wala na halos interaction ang mga bata sa kanilang kalaro, more on virtual na ang kanilang mga bagong BFF’s… totoo nga siguro na the more connected you are, the more disconnected ka iyong ginagalawang mundo. Hindi na uso ang mga katagang: “Sige ka pag di mo na ako bati, di kita isasali sa laro.” na kalimitan kong nadidinig noong aking kabataan. Anway, dahil lumaki nga ako sa bundok ng tralala at malayo sa sibilisasyon kaya naman ang aming mga laro noon ay out of no where din. LOL! Hindi ko na sasabihin yung mga normal na laro tulad ng taguan, patintero, baril-barilan etc… Hayaan ninyong ikwento ko ang mga larong hindi ko alam kung paano namin na-imbento pero patok na patok sa aming magkakalaro noong bata pa kami. 1.) Alam ninyo yung mahuli taya na game? Yung pag nahuli ka, ikaw naman ang taya tapos habulan galore na parang wala ng bukas? Yun ang normal na laro ng mga tao.. hahahaha… pero sa amin di kami ba...

Rage at Windy Ridge

Sa mga katulad kong mahilig mag biyahe na parang si Drew (Biyahe ni Drew) for sure makakarelate kayo dito sa susunod kong kwento.  Sa tuwing magbibiyahe kami ni Nali, months before kami umalis inihahanda na namin ang lahat from airfares, hotel, car booking, itinerary ng mga papasyalan namin, etc. para di na kami na-stress pagdating sa lugar ng aming pupuntahan at hindi na-iba ng umuwi kami noong December para magpunta sa Tagaytay. Pabalik na kasi ang inay sa US at since hindi pa daw siya nakakata-Tagaytay kaya sabi ko kahit ilang araw lang kami sa Batangas dapat makapasyal kami khit 1day lang. hehehe. :)  October pa lang naka-prepare na ang lahat lalo na ang hotel namin titigilan. Research sa internet ng recommended hotel sa Tagaytay and dahil hindi ako masyadong familiar sa lugar kaya nag-based lang ako sa mga reviews ng mga guests kung okay ba ang hotel or not. Sa dami-rami ng aking makikitang hotel Windy Ridge ang sa palagay ko ay okay.  Sabi sa review ma...