38 days and still counting...

Gossh!! 38 days na lang at nasa pinas na ako.. grabe na ito... sobrang excited ako.. ewan ko ba parang the more ako na e-excite the more bumabagal ang araw.. i remember noong hindi ko iniisip ang araw parang super bilis.. parang kapapasok ko pa lang ng lunes friday na agad.. pero ngayon.. haayyy.. sobrang feel na feel ko na sobrang bagal ng araw... pero ganun pa man heto at excited na ako...

Paguwi ng Pilipinas ay hindi biro sa mga tulad naming mga OFW (oveseas Filipino Worker)... Pero teka bago ako magkwento.. dati pag nadinig ko ang OFW pang longkatuts ito pero ngayon nagbago ang pananaw ko.. isa na akong OFW.. Goshh! baka salubungin pa ako ni PGMA at sabitan ako ng Sampaguita at sabihin sa aking: Mabuhay ka bayaning Pilipino... Oh My God di kaya ng powers ko yun baka himatayin ako sa airport at sa halip na sa Batangas ang destination ko sa hospital ng patay este pasay pala ako pulutin.. harharhar... Anyways, balik sa kwento... sabi ko nga hirap umuwi sa pinas, not because mahal ang pamasahe kasi can afford naman dahil maraming budget airlines... kaso sa case ko... Wwhhaaa... pag-uwi ko ng Pinas ang destination ko Batangas... huhuhu... imagine ilang buwan na akong namimili ng pasalubong pero heto ang dami pa ding kulang sa list ko... Eh paano ba naman ang naghihintay sa akin pag-uwi ko buong barangay... as in.. I'm not joking.. pagbaba mo pa lang ng jeep sa kanto.. lahat ng bahay na daraanan mo ay puro pinsan mo.. syempre ayaw ko naman na may magtampo pa sa akin... Kaya sa mga friends ko.. hope maunawaan ninyo kung wala akong pasalubong sa inyo.. alam na ninyo ang reason... hehehe.. pero di naman ako nagagalit.. actually happy pa nga ako kasi at least masabi ko sa sarili ko kahit paano nakapagbigay ako sa mga pinsan ko at kamag-anak ko.. hehehe..

Buti na lang June ang uwi at Great Singapore Sale.. naku sana lang makarami ako ng mabili.. hehehe.. i-zero ko muna ang account ko sa OCBC... hahaha... :) bahala na si Batman... Wag lang sana ako ma-excess baggage.. hirap na mahal ang bayad.. hehehe.. pero andyan naman si Hansel.. hehehe.. pwedeng magbitbit ang mokong paguwi niya sa pinas.. hehehe... :) [Thank you Tatay Hansel].

Heto pa pala... naranasaan ko na ding managinip na nasa pinas na ako.. as in nasa bahay na ako namin.. hehehe.. yun siguro ang effect pag first time mong uuwi.. hehehe... I plan a lot sa mga acivities ko sa pilipinas pero paginiisip ko pa lang parang kulang ang 2 weeks... hehehe.. good thing pinayagan ako ni mama Sally (my boss) na mag-leave.. hehehe.. Aba dapat lang kasi kung hindi mag re-resign ako.. mawawalan sila ng cute na librarian.. hahaha. kapal ng mukha... harharhar...

Dami pa palang kulang sa checklist ko... wala pa akong maleta.. kasi yung maleta ko na binili sa divisoria, pagdating ko dito sa singapore.. wala na ang isang gulong.. hahaha.. astig na astig... as in JAPEKS na JAPEKS.. hahaha... what do you expect.. Php400 lang ata yun sa Divisoria with matching super tawad pa kay manong yan.. hahaha... kaya ngayon heto bibili na ako ng bagong maleta... gusto ko yung medyo matibay na kaso ang mahal.. Oh my God again!.. ok lang magagamit ko naman ito pagmag-travel ulit ako.. hehehe...

Naku, nakikita ko na sa aking panaginip ang mapupungay na mata ni Jolibee... ang mga ngiti ni Mang Boy sa San Marcelino na nagbebenta ng masarap na Bicol Express, chowking, KFC na umaapaw ang gravy.. wwwhhaaaa... paano kaya ang aking CALORIE meter pag-uwi ko.. hahaha. naku bahala na... tumaba na kung tumaba.. minsan lang naman ako uuwi ng pinas... :) pwede namang tumakbo uli sa gym after that.. hahaha… sabi nga indulge yourself… kaya indulge ko ang sarili ko pag-uwi ko… hehehe…

Lastly, I want to go sa tagaytay... hehehe..

Sa aking bayang malirag... hintayin mo ang aking muling pagbabalik sa piling mo ako'y tuluyang hihimlay.... Charing!!! ang drama... hahaha...

See you this coming June...

Mga Komento

Sinabi ni vonjobi
are you really a librarian? =)
Sinabi ni ReN!e
i vonjobi... yup i'm librarian.. pero hindi po mga buks ang handle ko.. hehehe. system librarian po d2 sa sg... :)

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin