Saan kaya patutungo?
Lulan ng flight SQ501 is Maria patungong Singapore, dahil unang beses niyang sakay sa eroplano kaya kabado ang lola natin... Pag take-off pa lang ng erplen, halos bawian na ang buhay lola. Lahat na ata ng Santa ay kanyang tinawagan sa kanyang paglipad kasama na si Santa Claus. Bumalik lang sa ulirat ang bakla ng payapa ng lumilipad sa himpapapid ang sinasakyan niya. Pero syempre dapat poise pa din para di halatang first time ang babaita. Ilang minuto pa ay nagsimula ng magdistribute ng pagkain ang flight attendants. Dahil unang sakay niya,kaya nang tinanong siya kung anong gusto niyang food buong ningning siyang sumagot na: "No thanks!" sabay open ng kanyang ELLE Magazine. Sa isip-isip ni Maria "hhhmmm akala nila magogoyo nila ako, ang mahal mahal kaya ng pagkain dito.. buti na lang nakakain na ako sa bahay bago umalis." Ilang minuto na ang nakakalipas at napansin niyang halos ng tao ay abala sa pagkain. Kaya di niya napigilan ang sariling magtanong sa katabi niya: ...