PLANS?!????

I had so many plans today...

1.) I plan to had a date with Adeline after the mass, but she's not feeling well today kaya di ko siya na-invite lumabas... Nuod sana kami ng sine... hehehe.. tapos eat kami sa labas.. tapos kwentuhan... hanggang dumugo na naman ang ilong ko kaiingles... hehehe... :)

2.) Since wala siya today... Habang nasa church ako at kumakanta... I plan na i-visit ko na lang siya then bring some flowers... ang sweet ko ba masyado?? kaso in the end di ako nakapunta..

3.) Dapat pupunta ako sa SFC dahil dedication day today... kaso noong papunta na ako... nagbago ang isip ko... hehehe...

Heto naman ang counter parts... :)

Before matapos ang mass kanina, Marissa the love of Romeo (Ooopps no more Juliet... ah... hahaha...) asked for a big favor for us... sana daw amg-stay back muna kami sa church kasi we need to teach the little kids sa mga kanta... by next week kasi kasama ang mga bata during mass sa pagkanta... Though, I don't want to stay back dahil plan ko na ngang magpunta sa SFC... nakikita ko sa mga mata ni Romeo ang pagnanasang makasama pa ng ilang oras ang kanyang mahal kaya sabi ko sige stay back din ako together with Hansel... ayaw ko namang malungkot si Romy.. syempre ka-berks ko yan... hehehe...

After ng practice.. we decided to eat lunch sa kopitiam... dahil bawal ang rice sa akin.. (ito ang bago kong trip ngayon.. no rice... hehehe) kaya noodles na lang ang kinain ko... grabe na ito isang linggo na ata akong di nakaka-tikim ng kanin... pero I can survive naman... :) cguro pwede ako sa Survivor... :)

Heto ang malupet... I saw Christian Bautista again... with his super laking poster... hehehe.. kaya what do you expect.. picture taker agad para may remember... hahaha... By the way may commercial ang RIVERMAYA dito sa Singapore.. O di ba.. getting International na ang ating local artists sa pinas... :)

So sabi ko punta na ako ng SFC habol na lang ako... eh si Hansel punta naman ng Lingkod ng Panginoon sa Kembangan kaya sabi ko sabay na lang kaming mag-bus papuntang Tampines... while ikot kami ng ikot sa Compass Mall... ewan ko bigla na lang akong dinapuan ng katam... KATAMaran... hahaha... :) Eh naalala ko dati Romeo was planning to buy something sa IKEA (Furniture Mall dito sa Singapore)... So what do you expect... Back-out ako sa SFC, tapos nag-MRT kami ni Romy going to Harbourfront... Si Hansel naman deretcho siya sa Lingkod... :)

Pagdating namin sa Harbourfront Mall, punta kami sa station ng bus... eh biglang natigilan itong kasama ko ng makita ang Cable Car papuntang SENTOSA... nakikita ko sa kanyang mga galaw ang pagnanasang makasakay ulet sa cable car, though ilang beses na ata itong sumakay... so instant decision... CABLE CAR ang drama namin.... hahaha... At yun pinulot kami sa SENTOSA... hahaha... :) Actually di naman kami nagikot sa SENTOSA... nag-trip lang kami sa cable car kaya kami nakarating dun.. after 20-30 minutes bumalik na ulit kami sa Harbourfront... tapos derecho kaming IKEA...

Sobrang nakakapagod.. kasi lakad kami ng lakad pero okay naman... enjoy...kahit ang nabili ko lang ay scented candle kaso paguwi ko taga bitbit ang drama ko ni Romy... hhhmmm... teka Gawin ba daw akong alalay...bbwwwhahahhaha.. carry lang... pwede naman akong maging alipin minsan eh... hahaha... :)

==============
Mga natutunan sa Takdang Aralin:

1.) Wag mag-plano ng isang bagay kasi di matutuloy tulad ng kasabihang: Wag bilangin ang sisiw habang itlog pa kasi minsan yung itlog nakakain pa ng daga or nabubugok pa... at pagminamalas makukuha pa ng kapitbahay...hahaha...

2.) Sino ang salarin sa aking plano??? HHhhmmm... wag ng itanong dahil si ROMEO lang naman ang kasama ko today... hahaha... *PEACE brother... hahaha... Naku Romy lagot ka pagnag-away kami ng syuta ko..ikaw ang aking isusumbong...hahaha...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin