TEDDY
"Teddy musta ka na?" ang tanong ko sa kanya.
Tahimik lang si Teddy, ganun naman siya. Laging nasa isang sulok at di kumikibo. Patuloy pa din ako sa pagaayos ng aking sarili dahil nagmamadali na akong pumasok. Wala namang pakialam si Teddy sa akin, kahit maghubad ako sa harapan niya. Nakatingin lang siya sa akin pero di naman siya nagsasalita.
Hubad ako habang naglalakad sa loob ng kwarto. Naghahanap ng pwedeng maisuot na damit ngayong araw na ito. Normal na sa amin ni Teddy ang bagay na ito. Minsan kumakanta pa ako habang nagpapalit ng damit at kung minsan sinasayawan ko pa siya para maaliw naman siya...
Halos kalahating oras din bago ako nakapag-ayos ng sarili. Ilang beses nagpalit ng damit bago nagdesisyon na ito na ang isusuot ko... Konting lagay ng pabango, deodorant, lotion para kuminis ang balat at presto naka-ayos na ako.
Dagli akong natigilan ng tiningnan ko si Teddy sa isang sulok. May hitsura siya kung iyong pagmamasdan. Maamo ang mukha at may kaputian ang kulay niya. Lagi lang siyang nakangiti na mababakas mo sa kanyang labi. Kinuha ako ang aking coin purse kung may nalalabi pa akong barya. Dalawang 50cents, apat na 20cents, tatlong 10cents at isang dolyar.
"Musta na ang aking Teddy?" ang malambing kong tanong sa kanya.
"May ibibigay ako sa'yo! Alam mo ba ito? Hmmm... Alam ko paborito mo ito..."
Ibinigay ko ang unang sentimo sa kanya...
"Aba Teddy, di na kasya ito ha... Grabe puno ka na... takaw-takaw mo kasi ng coins... "
At buong ingat kong ibuhat ang aking coin bank na ang pangalan ay TEDDY.

Mga Komento