Kaibigan lang ako!

Hello Bhe, musta ka na? Pagod ka ba sa trabaho ngayon? Naku hayaan mo na yung masungit mong boss, crush ka lang noon... Alam mo naman matandang dalaga yun. Musta na pala yung projects ninyo? Sana maging okay ang lahat para di ka naman mapagod sa overtime.

Yan ang mga naglalaro sa aking isipan habang hinhintay si Marco ang pinakamamahal kong Bhe. Jologs pakinggan pero okay lang sabi nila nagiging jologs ang lahat pag-inlove. By the way I'm Jean, isang Recruitment Officer sa Makati.

"Hello pare musta ka na?" Bati ni Marco sa akin. Ganun kami ni Marco, pare ang tawagan.
"Pare okay naman ako.. Heto maganda pa din. At getting kikay everyday..."
"Asus... ito talaga!! Alam mo di mo na kailangang mapa-kikay... maganda ka na.." Sambit ni Marco, na nagpataba ng aking puso.
"Hay naku.. tama na ang bola... I know maganda talaga ako eversince in time of memoria... O ano saan tayo? Kanina pang dilat ang mata ko dito."
"Ito naman, alam mo namang maraming deadlines ngayon kaya late ulit ako.." wika ni Marco habang nakangiti.
"Naku kung di lang cute ang ngiti mo ngayon ikaw ang magbabayad ng kakainin ko... hehehe.."
"Asus... if I know ako ang magbabayad ng kakainin natin ngayon..." sabay tawanan naming dalawa...
"Aba dapat lang no... tagal kitang hinitay at may bonus ka kaya..."
"O siya, tara na... sa Esquinita na lang tayo..."

Ganito naman kami ni Marco, laging magkasama araw-araw. Dati siyang nagtatrabaho sa opisina namin ng makilala ko siya. Noong una hi and hello lang ang batian namin. Hanggang malaman niya na magkalapit lang ang aming tinitigilan sa Pasay. Simula noon lagi na kaming nagkakasabay pumasok. Daig ko pa nga ang may boyfriend ng panahon na yun dahil may taga hatid at sundo ako. Nagulat na lang ako ng ibalita niyang sinagot na siya ng kanyang nililigawan. Eventhough may girlfriend na siya, halos araw-araw pa din kaming nagkakasabay sa sasakyan. Minsan pa nga sa akin humingi ng payo tungkol sa kanila ng girlfriend niya. Although masakit para sa akin pero sino ba naman ako? Isang "matalik" na kaibigan lang naman di ba? Walang karapatang masaktan, manhid ika nga! Nakita ko na din siya kung paano umiyak pag nagaaway sila ng girlfriend niya... Una niyang sinasabi sa akin kung may mga magagandang bagay na nangyari sa kanya, tulad na lang ng matanggap siya sa kanyang trabaho ngayon... Di siya umuwi ng bahay nila hanggat hindi kami nagce-celebrate... Nalungkot ako noon kasi di ko na siya masisilayan araw-araw sa kanyang cubicle. Di ko na siya mabibiro tuwing lunch time.

Naging madalang ang aming pagkikita ng simula siyang magtrabho sa bagong kumpanya. Emails na lang at kung minsan mangugnulit sa telepono. Na-miss ko yung mga araw na magkasama kami, hindi man kami, pero nangangarap pa din ako isang araw na magbabago ang ikot ng mundo para sa amin.

Isang araw nabalitaan ko na lang naghiwalay na daw sila ng kanyang girlfriend. Hindi ako naging masaya ng araw na iyon. Although dapat mag-celebrate ako dahil wala na sila ng gf nya, pero para sa akin ayaw kong makitang malungkot ang aking pinakamamahal na Bhe... Alam ko kung gaano niya inalagaan ang kanilang relasyon pero siguro nga di sila para sa isa't-isa.

"Uyy... wala ka na naman sa sarili mo?" sambit ni Marco habang ako ay nagmuni-muni.
"Haller... okay ka lang... iniisip ko lang ang Appraisal Letter para kay Dominic.."
"Ano ba naman ito... trabaho pa din? Naku dapat ang isipin natin is kung paano tayo mabubusog."

Naupo kami sa isang table malapit sa kahera, habang pinagmamasdan namin ang mga menu card... Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang pinagmamasdan ang mga menu. Malayo man siya sa aking upuan pero naamoy ko pa din ang pabango niya... Ang malalalim niyang biloy, at maamo niyang mata. Ano kayang pakiramdam ang humilay sa mga bisig ng aking mahal?

"Ano may napili ka na ba?" biglang tanong niya.
"Oo kanina pa... Heto oh!" sabay turo ko sa spaghetti at chicken wings..
"Lakas mo talagang kumain..." biro niya.
"Ito naman ililibre mo na nga lang ako, kailangan ko pa bang magtipid?" pabirong sagot sa kanya.
"O siya sige na nga... Yung drinks... alam ko man ang paborito mo. Mango juice..."

Kitams alam ng mahal ko ang paborito ko...

Ilang oras din kaming nanatili sa lugar na iyon. Kwentuhan at tila walang katapusang tawanan. Sarap kasing mag-joke ng mahal ko eh. Lalo na pagnag-i-impersonate siya ng ibang tao... Kuhang-kuha niya bawat galaw. Alam na alam niya kung paano kunin ang aking kiliti sa kanyang mga jokes.

Sabay kaming umuwi ng matapos kaming kumain... Ilang kanto pa man ang bahay nila buhat sa amin... Bumaba na din siya tulad ng aming nakagawian. Ihahatid niya ako sa tapat ng tindahan sa kanto tapos bibili ng kopek habang nakaupo at nanunuod sa mga dumadaang mga tricyle at padyak...

Halos magha-hating gabi na ng kami ay maghiwalay. Pumasok na ako sa gate namin habang pinagmamasdan ko siyang papalayo. Huling sulyap sa aking mahal na Bhe ngunit wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya, dahil "Kaibigan lang ako!" Umaasang bukas darating ang umaga na sana kami na.


=====
Paalala ng may Akda: Ang mga karakter at mga pangyayari sa kwento ay hango lang sa malikot na isipan ng may Akda, kung may nakakatulad na pangyayari sa buhay ninyo ang kwento, ipagpaumanhin po ninyo... di ko po sinasadya... Ako po ay nangangarap lang maging isang writer... hehehe... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin