Sensitive issue...

May nabasa akong blog about virginity. Napaka-vocal ng author about the issue. Sabi niya, today daw okay lang maki-pag-s*x ang babae sa lalaki kahit di pa kasal.. ito yung tinawag na PMS (pre-marital sex). Sabi nya di na daw issue ngayon kung virgin pa ang babae na papakasalan mo (actually author ng blog na ito ay babae). To be honest I'm not agree on her arguments. For me napakalaking issue sa akin ang virginity. Kasi ito yung special gift na ma-i-o-offer mo sa magiging asawa mo di ba? If you loose your virginity, hindi na ito maibabalik pa... Kahit ilang Vicky Belo pa yan di nya kayang retokihin pa yan.

Ano ngayon kung di ka magaling maki-pag-s*x. Having s*x lng ba ang dahilan para maging masaya ang pag-sasama? I think it is lust, kung husay lang ng performance sa kama na paguusapan. You are not looking for a good partner in life kung galing sa performance ang hinahanap mo, you are looking for a f*cking buddy.

I remember sabi ng isang brother na nag-share about his married life. Eversince naging gf nya ang asawa nya ngayon, hindi nya ito hinalikan, sabi nga saving the best for last not for lust. During their wedding day lang nya unang nahalikan ang babaeng pinakasalan nya. And it's more romantic I guess! Ano ngayon kung di ka magaling sa s*x.. Ano ngayon kung di ka magaling magpabaliw ng babae sa kama. I believe lahat ng bagay na pagaaralan... Sabi nga mas masarap ma-discover ninyong dalawa ang beauty ng s*x pag pareho kayong inocente sa bagay na ito.

Sino nga bang dapat sisihin sa PMS? Babae ba or Lalaki? For me both parties are involved.. Hindi naman magagawa ng lalaki yun kung ayaw ng babae at hindi naman din magagawa ng babae kung di nag-provoke si lalaki. Pero basically dapat marunong mag-control si lalaki... teka parang si lalaki ang lumalabas na may sala ah... hahaha... :) Anyways, advice lang sa mga girls, wag kayong lalagay sa sitwasyon na matatalo kayo... :) Eh tutal marami na namang mga babae na mas nais magka-baby na lang kaysa magkaroon ng asawa, just like some guys (isa na ako dun) mas gusto pang magka-baby na lang pero walang asawa... hahaha... :) Pero syempre it is a sacrement from God na dapat nating sundin.. :)

Teka bakit ko ba ito sinasabi sa inyo?? Matatanda na kayo alam na ninyo ang tama at mali... hahaha... :) O siya balik sa trabaho... harharhar...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin