isang garapong langis..
Malakas ang bulung-bulungan sa barrio nina Iska na may nanahang mananaggal sa lugar nila. May kalayuan sa bayan ang nayon nila at dahil sa gitna ng bundok ang baryo nila, walang supply ng kuryente dito at hirap ang pagkuha ng tubig. Kalimitan sa may sapa sa paanan ng bundok pa sila nakakakuha ng malinis tubig para mainom or minsan umaasa na lang sila sa patak ng ulan na pwede nilang inumin at gamitin sa bahay.
Ang mag-asawang Iska at Karyo ay nakatira sa may kalayuan sa bahayan. Minsan nga hindi na sila halos nagkikita ng mga kapitbahay lalo na kung lahat sila ay abala sa kainggin. Ngunit ganun pa man, hindi pa din mawawala ang tsimisan sa kanilang nayon lalo na ang mga nakakatanda pagnagpulong-pulong sila..
"Naku Ma.Amor... Nakikita mo nang palubog ang araw at naglalaro pa kayo ni Angelo! Halika nga dito.." wika ni Aling Auring sabay kurit sa singgit ng pobreng bata.Tanging isang malakas na aray na lang ang naging sambit ng Ma. Amor.
"Ano! Hindi ka ba makikinig sa akin... Ikaw na bata ka... Kung anu-ano kasi ang iyong inaatupag... Doon ka sa bahay at magluto ka ng hapunan at ikaw naman Angelo di ka na hinahanap ni Tolome?" Patuloy ni Aling Auring.
"Naku Auring, ano ka ba naman!" wika ni Iska habang naglalakad sa may kalsada na may dalang sako ng uleng.
"Naku Iska, di mo ba nadinig yung nangyari kagabi sa may kakahuyan? May patay na namang natagpuan at wakwak ang tiyan." wika ni Auring na tila nagingilabot.
"Ha? sinong maysabi?" usisa ni Iska.
"Pinaguusapan yan nina Kapitan kanina sa may kubo sa gulod!"
"Ganun ba? ano daw ang napag-usap nila?"
"Naku Iska doon tayo sa may kubo nina Berta at nandoon silang lahat."
Iniwan muna ni Iska ang dala-dala niyang uling sa harap ng bahay nina Auring saka tumuloy sa may kubo nina Berta.
Malayo pa lang ay dinig na nila ang mga usapan ng mga kapitbahay na pawang mga takot.
"Ano bang nangyayari dito sa ating nayon? Simula ng dumating yang Si Perla dito ay talaga namang para tayong dinadayo ng salot..."
"Oo nga... Di ko nga alam kung saan yan nanggaling at bigla na lang magtayo ng sariling kubo sa may kabilang gulod."
"At ito pa. Sa dami-daming pagtatayuan ng bahay ay talagang sa malayo sa tao."
"Nakita ba ninyo yung lagi niyang dalang garapon."
"Oo, parang lagayan ng langis!"
"Naku, baka iisa tayo ng iniisip na si Perla ay isang mananggal."
Kani-kanilang mga suwestiyon at kuro-kuro ang madidinig mo sa kubo nina Berta. Ngunit iisa lang ang kanilang sapantaha ng mga oras na yun. Si Perla ang salot sa kanilang nayon.
Umuwi si Iska na tila isang ligaw na asong gubat. Nagmamadali at tila may humahabol sa kanya. Sa may gulod ang bahay nila ni Karyo. Bagamat ilang taon na silang kasal, ngunit di sila nabiyayaan ng kahit isang anak. Mabilis niyang binagtas ang madilim na gubat, tanging mga huni ng kwago, mga kulisap at kuliglig ang kanyang naririnig. Minsan ay ang alulong ng aso ang kanyang nadidinig na lalong nagpatayo ng kanyang balahibo.
Habol niya ang kanyang hininga ng dumating siya sa kanilang barong-barong sa gulod. Andun na si Karyo na nag-aayos ng sarili.
"Iska, saan ka ba naman nanggaling? Dis oras na ng gabi wala pa tayong pagkain? Buti na lang at may natira pa ng bahaw kaninang tanghali at iniinit ko na lang." wika ni Karyo.
"Naku Karyo di mo ba nabalitaan ang nangyari sa gubat kagabi? May patay daw na nakita."
"Ano namang kalokohan yan?"
"Ano ka ba? Napadaan ako sa umpukan sa nayon at malakas ang bulong-bulungan na si Perla ay isang manananggal."
"Ha? Si Perla na dayo dito sa atin?"
"Oo yung nakatira malapit dito."
Habang kumakain silang dalawa doon kinuwento ni Iska ang kanyang nadinig sa umpukan sa nayon.
Malalim na ang gabi ngunit di dalawin ng antok si Iska. Tila balisa at pa-ikot-ikot sa kanyang higaan. Santalang si Karyo ay mahimbing nanautulog na katabi ang kanyang itak na ginagamit sa pagkakaingin.
Bigla na lang nagtahulan ang mga aso ng dis-oras ng gabi na nagpatayo ng balahibo ni Iska. Dati-rati naman ay okay lang kay Iska dahil minsan y may mga nagdadaang mga kanayon nila sa lugar nila galing sa panghuhuli ng mga ibon sa gabi. Ngunit ng mga oras na yun iba ang pakiramdam niya. Dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang pagkakahiga at kanyang hinawi ang pawid na ding-ding para makita niya kung sino ang dumadaan. Babae na nakasaya na mabilis na naglakad sa tapat ng bahay nila. Di man katangkaran pero mababanaagan mo ang kanyang hitsura sa ilalim ng bilog na buwan. Mabilis ang lakad ng babae, pero hindi pwedeng siya ay magkamali. Si Perla ang babaeng dumaan, dala ang kanyang garapong may langis.
Dali-daling ginising ni Iska si Karyo sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.
"Karyo dali ka. Mambibiktima na naman si Perla na mananaggal."
"Hhhmm..." ang sagot ni karyo na pupungas-pungas.
"Ano ka ba Karyo. Bilisan mo at sundan natin ang mananggal."
"Ha?"
"Naku Karyo dito ka." Hila ni Iska sa asawa.
Dala nila ang itak at isang garapong asin, sama silang binagtas ang dinaanan ng mananggal.
Madilim man ang gabi, ngunit ang liwanag ng bilog na bilog na buwan ay sapat na para magbigay liwanag sa kanilang daraanan. Sa di kalayuan ay nakita ang babaeng tila naghihirap sa kanyang ginagawa at mangilan-ngilang unggol sa boses ng babae.
"Sshh... wag kang maiggay Iska. Lapit tayo ng konti para di tayo mahirapan sa paglalagay ng asin pag naghiwalay ang katawan ng impaktang yan."
Pagapang silang lumapit sa kinaroroonan ni Perla.
Dahan-dahang itinaas ni Perla ang garapon na tila nag-oorasyon. Isang malakas sigaw ang narinig ni Perla na kanyang ikinagulat.
"Putang-ina Iska!!! TAE nga!!!"
"Susmaryosep Karyo TAE din ang aking nahawakan."
Dali-daling binuhos ni Perla ang laman ng garapon sa kanyang puwitan. Sabay tayo sa kanyang kinauupuan para ayusin ang sarili matapos niyang maidaos ang kanyang ritwal tuwing sasakit ang kanyang tiyan.
Isang garapong tubig at di langis ang laman ng dala ni Perla para maibuhos sa kanyang pwet matapos siyang saktan ng tiyan. :)

Mga Komento