Ang taray ng Auntie mo!

Every morning dahil late na ang pasok ko (10am), normally di ko na naabutan yung naglilinis ng table ko at ng aking trash can. Though di ko siya nakikitang naglilinis sa place ko. I can always see her sa corridor pag naglilinis siya or sometimes sa restroom. We just say Good morning and we smile to each other. Mabait si Auntie and take note Englisera ang lola mo... :) Di ba nakakatuwa... parang ganito.. Bigyan kita ng sample:

Renie: Hey! Auntie.. waz-up! can you help me to fix this stuff..
Auntie: Sure why not. Hmmm... Wait, I will put my feather dust here first...

O di ba... talagang umiingles ang taga linis dito... hahaha... daig pa ako... hahaha...

Anyways dahil sobrang bait niya... Love ko na si Auntie... This morning dahil maaga akong pumasok... nauna ako sa kanya... Noong sa kabilang table pa lang siya naalala kong may polvoron pa pala ako sa drawer... So dali-dali ko siyang binuksan... PUNYEMAS!!! alam mo ba ang nangyari... Nagupit ko lang naman ang aking mala-kandilang daliri... So what do you expect duguan ang inyong abang lingkod... *sigh!* Pero syempre dapat nice pa din ako... kaso ayaw ni Auntie ng polvoroon... :( nalungkot naman ako... kasi nasugatan na nga ako tapos ayaw pa nya ng polvoron... sabi nya... "So, sorry I have a sore troat..." Grabe na ito.. sosyalan talaga ang laban.. hahaha... :)

Anyways... kahit ayaw ni Auntie ng aking polvoron.. carry lang at least may pagkain pa ako sa drawer ko... :) kaso masakit yung nagupit kong daliri... :( Sometimes hirap magpakabait.. nadidisgrasya ka pa... hahaha... uuyy..joke lng yun, it's nice na sometimes may napapaligayang tao... :)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin