BER na kasi

Malamyos ang simoy ng hangin... sa bawat hakbang, mararamdaman mo ang kakaibang ihip ng hangin... Malamig kung ihahambing mo sa nagdaang mga araw.

Payapa ang bawat tanawin habang binabagtas ko ang kahabaan ng kalsada pauwi sa aking tinutuluyan... May mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan, na tila di alintana ang dilim ng gabi. Pasadong alas nuebe na, pero heto ako at naglalakad pa lang, habang pinagmamasdan ang paligid at nagmuni-muni.

Ilang tulog na lang at BER na naman. Mabilis na nagbalik ang mga ala-ala ng aking kabataan... Ganitong panahon nagsisimula na kaming manulot ng balat ng kendi, at nagpapatuyo ng sanga ng puno... Matapos matuyo ng sanga pipinturahan ng kulay puti tapos ilalagay sa lata ng pineapple juice saka lalagyan ng maraming bato para tumayo ang sanga na may kulay puti. Samantalang ang mga balat ng kendi ay gagawing tulad ng mga talulot ng isang bulaklak. Ang iba naman ay lalagyan ng bato sa loob para magmukhang kendi ulit. Ito ang hitsura ng Christmas Tree ng aking kabataan... Wala mang Christmas light na kumukuti-kutitap tuwing sasapit ang gabi, sapat na ang mga kumikinang na bituin sa langit para magkaroon ito ng sarili niyang buhay at liwanag.

Hayy... kay sarap balikan ang mga panahon na tulad noon. Salat man kami sa mga bagay na materyal ngunit andun pa din ang diwa ng kapaskuhan. Andun si nanay, si tatay, ang mga kapatid mong lagi kang pinapagalitan pero sila pa din ang kadamay mo tuwing may problema kang kinakaharap. Konti man ang handa sa noche buena at pagminsan ay wala pa, pero ang mahalaga magkakasama ang bawat miyembro ng pamilya.

Heto ako ngayon patuloy na binabagtas ang kahabaan ng Anchorvale. Patuloy na ninanamnam ang haplos ng malamig na simoy ng hangin... BER na kasi, hudyat na ng araw ng kapaskuhan para sa mga Pilipino. Malayo man ako sa aking pamilya sa darating na kapaskuhan alam kong darating din ang araw na muli kaming magkakasama-sama.

Isang Maligayang Pasko po at Manigong Bagong taon sa inyong lahat. Nawa, patuloy na manahan sa ating puso ang init ng pagmamahal ng bawat isa.

===========

Tanong: Bakit ako SENTI?
Sagot: Wala lang, BER na kasi... hehehe... :) (Lord, sana di na malamig ang aking pasko.. hehehe)

Mga Komento

Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
Advance Merry Christmas.... mag shopping ka na para may regalo ka na sa akin sa pasko hahaha.....

I'm sure this weekend maglagay ka na ng xmas decors hahaha......
Sinabi ni ReN!e
uyy anonymous... ikaw na naman... hahaha... :) cge shopping galore ako para sayo at para sa akin na din.. hahaha... :)

Uyyy d pa ako maglalagay ng decor... next naman para di halatang excited ako... hahaha... :)

Thanks anonymous... MERRY XMAS...
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
Hey kilala mo ba ako??? cge nga if kilala mo ako sino ako hahaha....
Sinabi ni ReN!e
teka ano ba ito??? Psychic station... haller.. tao lang ako may limitasyon din.. hahaha... :) Pero hula ko lang ha... cguro ikaw yung matador sa slaughter haus... hahaha.. JOKE LANG po... hehehe... :)

Naku Anonymous... di kita mahuhulaan.. marami na ang gumagamit nyan... pero kahit si RENE MARIANO di nya mahuhulaan kung cno ka... Eh si Madam Auring nga di nya nahulaan na magkakahiwaly sila ni Archie... AKO pa na hindi naman manghuhula... hahhaa... Ikaw talaga, gusto mo pang paduguin ang utak ko.. hehehe... :)

Ingat lagi... hehehe
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
hay naku di mo ako mahulaan...akala ko pa naman may 3rd eye ka, panay pa naman ang post ko ng comment dito sa blog mo hmnn... btw anong shampoo ang gamit mo??? hahaha.......juk lang pu!!!
Sinabi ni ReN!e
Hi Anonymous.. you're not joking... I'm using shampoo din noh.. hahaha.. :) CLAIROL HERBAL ESSENCES.. hehehe.. :) kahit naman kalbo ako may konting buhok pa din ako... heto nga at katitirintas ko lang... hahaha... :)

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin