Benjamin...

I remember this guy ng elementary pa kami. Kaklase ko itong mokong na ito.. Eh dahil Vargas ang surname niya tapos ako Arcega, kaya di kami naging-cheatemate.. hahaha..

Actually crush siya ng pinsan ko na si Lucia na may nickname na Lucy. (O di ba sosyal).. Eh ng piyesta ng Malaking Pulo (lugar ito sa Tanauan) itong si Lucy bumili siya ng necklace... at inilagay ang name na BENJIELUZ.. O di ba, bata pa lang talagang my PUPPY LOVE na agad itong kumare ko... hahaha.. Alam ko makakarelate kayo sa necklace na ito... Ito yung kulay LIME Color tapos ang tali niya ay black tapos yung name sa loob ay black din... :) Ano nag-pop na ba sa mind ninyo? hehehe.. Basta ganun yun... :)

Anyways, hindi na kami naging magkaklase ni Benjamin ng High School kasi sa bayan ako nag-aral siya naman ay sa kalapit na nayon namin... Pero nagkikita pa din kami kaso once in a blue moon at di naman kami ganun ka-close that time.. :)

Nang mag-college na kami, since nasa Manila ako at siya ay sa Batangas ng college kaya most of the time di na kami nagkikita. Pero nakakatuwa every summer na magkikita kami, isa lang ang gusto namin: Mag-held ng reunion sa aming elementary batchmates... :) Actually nakakatuwa ang Elementary days ko... kasi puro pinsan ko sila... hehehe... :) mga 30 ata kami nun... though mga nsa 3rd or 4th degree na yung iba pero sabi nga iisa pa din ang pinagmulan.. :) And guess what nag-graduate na kami ng college di pa natutuloy ang aming plan na mag-re-union... :) Pero pag nakikita kami kwentuhan pa din kami about our elementary days... kung paano kami nagkukulitan, yung tuksuhan... tapos pagtitingnan namin ang sarili namin iilan na lang kaming walang asawa, the rest ng kaklse namin may mga anak na... hehehe... :) Kaya sometimes nakaka-pressure na dapat magka-asawa na din ako... hahaha....

Ng umuwi ako sa pinas siya lang ang kaklase kong dumalaw sa akin sa bahay... hehehe... :) nakakatuwa for all the people na dadalaw at makakaalala sa akin eh ito pa... hahaha... Actually nakita ko siya sa kalsada that time.. tapos nagulat siya ng nasa pinas ako... eh sakay ako sa jeep that time kaya di kami nagkakwentuhan... Guess what??? nanghiram siya ng motor bike tapos pumunta siya sa bahay... hehehe.. yun back to history again kaming dalawa... kwentuhan kami about our plans... yung mga classmates namin... ang dami-daming bagay na binalikan... Though ilang beses ko ng narinig pero masarap pa ring balikan ang mga ala-ala ng kabataan...

Then kanina nag-mis call ang mokong... nagulat talaga ako.. kasi ba naman, sa dami-dami kong mas "CLOSE" na kaibigan, isa siya sa nag-miss call... Eh busy ako, sabi ko 30 minutes tawagan ko siya... Aba at di nakahintay... tinawagan pa ako... hahaha... :) nakakatuwa... so sabi ko cge I will call you 5 minutes... hehehe...

Naubos ang card ko kakukuwento... hahaha... parang feeling ko andun lang kami sa Batangas at nagkukuwentuhan... Trully it's a nice feeling na bigla kang tatawagan ng elementary friend/classmate mo... Wala lang natuwa lang ako sa kanya... Di man kami close noong elementary pero along the way mas nagiging close kami, sabi nga nade-develop yung camaraderie between us... :)

====

Hey Girls... Binata na itong kaibigan ko... searching ito... :) Mabait po ito... makulet... daming kwento... sobrang responsible... faithful...

(tama bang ibugaw ang kaibigan... hahaha *Peace Bro.*)

Mga Komento

Sinabi ni ReN!e
uyyy...makakarating sa kaibigan ko yan... :D lagot ka... hehehe

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin