kwentong boss...

Bakit ba may mga boss na di mo alam kung bakit naging boss.. To be honest, I keep asking why some of my bosses became boss... Nakakairita minsan kasi ba naman ippagawa sa'yo ang isang bagay na hindi mo naman alam tapos di mo alam kung saan ka hihingi ng tulong... pagtinanong mo sila di nila alam ang sagot... Minsan naman napaka-simple ng problema for example e-email lang ang isang particular na tao, ang gagawin pa e-email ka ng boss mo tapos sasabihin na e-email ang tao na ito... Di ba nakakainis... bakit na lang kaya niya e-email yung tao na yun... Bwisit... Wasting time, sa halip na nakakagawa ako ng blog kung anu-ano pa tuloy ang aking naiisip... kailangan ko pang paduguin ang ilong ko sa English... hehehe... :)

O heto pa, sometimes they will ask you to do this.. to do that.. tapos URGENT... 'neng tao lang nag-iisa lang ako... ggrrrr... tapos sabay-sabay pa sila... parang minsan gusto ko na lang lumulon ng bato at sumigaw ng "DING!" bbwwhhahahhaha... :)

May time naman na tatanungin ka sa process ng ginagawa mo... gusto ko minsang sagutin na... Are you my Project Manager? kasi dapat alam mo kung ano yung pinaggagawa ko dito sa opisina di ba? hhaaayy... Kung ang lalaki ay buntis baka naagasan na ako d2... grabe konsumisyon itong mga boss na ito... hahaha...

Pero in fairness... yung isang boss alam niya ang kiliti ko... hahaha... :) She treat me ng BReAK TYM... hahaha... Well siguro nakita nya na malakas akong kumain tuwing lunch kaya nag-offer siya na kumain kami ng break time... :) Kahit di naman uso sa akin ang break time.. hahaha... :)

Yun lang...kung lahat ng boss magte-treat sa aking break time may tapao/take-away pa ako pag-uwi... :)

========
Note: Tapao or take away ito yung take out sa pinas... hehehe... :)

Mga Komento

Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
hello po...
hay naku lam mo ba parehas lang tayo ng nararamdaman ngayon..yan din ang tanong ko sa sarili ko bakit nga ba ganun ang mga boss?
itong boss ko naman puro pa cute lang ang ginawa..akalain mo ba namang ibigay sa akin ang trabahong dapat ay sya ang gagawa? kamalayan ko ba naman dun sa trabahong yun?to think 3 mons palang ako sa company na ito.at isa pa di naman kasali yun sa job description ko..yun na nga lang pagquote ng mga i-rerepair na barko toxic na ako,dadagdagan pa nya..***sigh!*** hayyy sana kung pede lang ako magreklamo at sumigaw ng... " IT"S UNFAIR!!!! "
hehehehe
ay soweee po kuya napahaba ang comment ko..hehehe nahawa na ata ako sayo..nu ba yun?
Sinabi ni ReN!e
Hi cassy,
natuwa naman ako sa comments mo... hahaha... now i know di ako nagiisa sa mundo naga galit sa boss... hahaha... :) Korek... It's UNFAIR... hayaan mo padadalhan kita ng bato dyan.. pag galit ka sa boss mo... sigaw ka lang ng DARNA... ako naman paggalit sa boss ko sigaw lang ako ng DING... hahaha... :)
Okay lang sa aking ka maglabas ng sama ng loob.. actually all round naman ang aking work.. pwede akong manghuhula, pwede akong kusinero, pwede akong dancer, pwede akong taga payo... pwede akong taga batok ng boss.. hahaha... kahit ano carry lang ako... :)

Mga sikat na post sa blog na ito

Burol 101

EULOGY - Ang huling paalam sa Tatay.

Pamahiin