Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2014

Bantay Bata 163

Bago pa nagkaroon ng Bantay Bata 163, meron ng Humanda ka sa tatay mo Mamaya.hahaha!!! Sa mga kabataan ngayon siguro hindi na nila ito na experience pero masayang balikan yung panahon kung paano dinisiplina ng mga magulang ang kanilang mga anak. Halina't samahan ninyo akong silipin ang mga kahindik-hindik at nakakapangilabot na Humanda ka sa Tatay Mo Mamaya hotline. 1.) Tsinelas - nagbibigay ginhawa sa mga paa sa tuwing ikaw ay lumalakad sa labas, mapa-Rambo o Spartan naman yan. Pero anong daling isuot sa paa, siya din daling ipalo sa pwet ng batang matigas ang ulo at iyak ng iyak. hahaha... Yung tipong hahawakan ang bata sa braso sabay palo ng tsinelas sa pwet habang umiiyak ang bata. LOL!!! Classic na classic ang peg. INTENSITY: Hindi ito nagmamarka ng halukay ube sa pwet pero ang kakahihiyan mo sa kalaro mo yun ang mag-mamarka sa kanila dahil sa susunod na maglaro kayo sasabihin sa'yo: "ahh napalo sa pwet.. pwet pwet pwet.." hahaha!! 2.) Kurot at Patilya...

Kwentong Chekwa

Dahil Chinese New Year ngayon kaya dapat ang kwento ko ay nababagay sa okasyon. hehehe… haller dapat IN ang drama natin lagi noh!! "the NERD!" LOL! Anyway di naman masyadong bago ang kwento ko pero masasabi kong isa ito sa kwentong di ko malilimutan ng lumipat ako sa Singapore... Matapos ang aking higit 3 months na pagiging ampon ni Ate Bangs sa Tiong Bahru, nag-decide akong lumipat ng bahay kasama ang aking new found friend na si Hansel. hahaha.. Nakakatuwa ang kwento namin ni Hansel; noong magka-trabaho kami sa Citibank Makati magkatabi lang  kami ng upuan at ang nakakatawa pa hindi kami nag-uusap dalawa. LOL.. pero sabi nga pag nasa ibayong dagat ka na.. you are longing sa parehong lengwahe para hindi naman duguan ka araw-araw ka e-english noh… So noong nagkita kami ni Hansel sa SG at pareho kaming nakakita ng trabaho, we decided na mag-sama sa isang bahay sa bundok ng Anchorvale,Sengkang. Noon ilang pinoy lang kami sa Sengkang pero ngayon mga pinoy na ata ang nakatira...

PR501

Ang susunod kong kwento ay hindi nangyari sa abang lingkod ninyo pero ito ay pumukaw at nagmulat sa aking nahihimlay na diwa. Gumulat at nagpagimbal ng aking walang kabuhay-buhay na  araw. LOL! Ang bida sa ating kwento ay itago natin sa pangalang Rosita dahil paborito nya ang dating contestant sa Pinoy Dream Academy na si Rosita. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang karanasan noong una tayong naglakbay na malayo sa kanilang bayan o probinsya. Naalala ko dati dahil iisa lang ang jeep mula sa aming nayon at pag nagkasakay ka sa jeep at tuntong ka ng bayan, 'neng daig mo pa ang sikat na artista sa mga kalaro mo tapos ikukwento mo yung hitsura ng bayan (sorry medyo galing ako sa bundok kaya limited edition lang ang mga nakapunta sa bayan. hehehe). As in feeling ko dati super ganda na ng palengke ng Tanauan sa Batangas. hahahaha… =)) Balikan natin si Rosita. Nakakita ng trabaho si Rosita dito Singapore kaya naman dali-dali siyang lumipad bitbit ang kanyang maleta na laman ...

Soshalerang Froglet

Itong kwento kong ito ay tungkol sa dalawang tao na halos araw-araw kong nakikita. Isang tsuper ng taxi at ang taga-timpla na kape sa opisina. Nakakatuwang pakinggan ang kwento nitong dalawang ito as in super ibang level ang pagiging sosyal. Minsan kasi iniisip natin na ang pagiging sosyal ay sa pananamit lang nakikita pero wag ka hindi sa lahat ng pagkakataon sa pananamit ito masusukat. Yung iba nga branded ang damit ulam naman ay tuyo. hehehe. Yung tsuper ng taxi ay araw-araw ko itong sinasakyan pag pumapasok sa opisina. Bago pa lang mag-6am ng umaga na sa labas na siya ng lobby ng bahay at naghihintay sa akin. Simple lang kung iyong pagmamasdan pero sa loob ng halos tatlong taon naming magkasama araw-araw, lahat na ata ng pwede naming pagusapan ay napagusapan na namin… ultimong kasaysayan ng bansang ito.. naikwento na nya sa akin. LOL. (Konting Trivia: Dati pag sumakay ng taxi pwede pang me sumakay hanggang mapuno at ang ruta lang ay kahabaang ng Upper Serangoon. oh di ba!.. heh...

Medical Exam

Noong nagaaral tayo ang gusto natin lagi ay pumasa sa mga exams. Gusto natin ang marka natin ay laging A+, pero may isang exam na minsan gusto natin sana negative ang makuha para pumasa at ang tawag dito ay Medical Exam.  Matapos ang kontrata ko sa Jollibee, nakakuha ako ng trabaho as Salesman sa Fairmart Cubao at dahil mas sosyal na ito kesa sa Jollibee hindi lang basta-bastang Health Seminar ang iyong aattendan kundi kailangan mo pang kumuha ng Medical Exam.  Sinabihan na kami ng HR na bago pumunta ng headoffice nila dala na daw kami ng stool (tae) as specimen. From Cubao pumunta ako sa may likod ng Raon sa Quaipo kasi andoon ang headoffice ng Fairmart tapos ni-refer nila ako sa isang clinic sa may Taft Avenue. Me mga kasabayan ako ng panahon na iyo at dahil Mr. Friendship ang lingkod ninyo madami din akong nakilala along the way.  Anyway, dahil 17 years pa lang ako noon mukha pa akong yagit at dugyutin. LOL!!! Bitbit ko ang aking backpack na laman ay sandamak...

Pers Job Neber Dai

I was 16 sixteen when I started to work and before I landed my first job; a lot of funny moments ang aking na-experienced. It was a summer of 1995 when I got my first job as service crew in Philippines leading fast food chain (Jollibee).  Heto ang hinding-hindi na matatawaran na mga moments ko noon. Sa Jollibee Araneta Coliseum ako natanggap since sa malapit New York (hindi US kundi Cubao) ako nakatira: Ermin Garcia St to be exact. Bago ako punta sa interview ang dami ng mga reminders ni Ate Pilar that time (stage sister?? ganun??… hehehe..) at ang hindi matatawarang sagot sa tanong ng boss: Bakit kailangan mong magtrabaho? Wala bang trabaho ang mga kapatid mo at magulang mo? I’m telling you na-memorize ko na kung saang mata ako luluha pag tinanong sa akin ito. LOL!!! Kidding aside; simple lang ang sagot that time, sabi ko lang: I want to help my family. Hindi kami mayaman at kailangang kumita para may pantustos sa pag-aaral.  Pero mas wagas ang sagot ko ng tinanong ako k...

Gusto mong lumandi? Magtiis ka sa hapdi!

Noong bata pa lang ako lagi ko itong nadidinig ang line na ito sa kapitbahay namin (though mga pinsan ko lahat ang kapitbahay namin. LOL!)  “Ang kire-kire.. tingnan mo at sugat na naman ang tuhod mo!”, sabay kurot sa singit o di kaya sabay palo sa pwet. hahahaha! Alam ko medyo ancient ang aming mumunting nayon! Imagine noong bata pa lang ako lumaki na ako sa mga tapal tapal ng papel na may dagta ng chiko. Pag dinadala ako ng inay sa mga albulasyo kasi medyo sakitin ako noong bata; jusme sasabihin sa akin na duwende daw ako. As in memorize ko na yung mga orasyon ng mga albularyo, pero mas kilala ko si Ka Tasing sa may Sto. Tomas, Batangas. LOL! Wagas ang pang-gagaway ni Ka Tasing, kung ang ibang albularyo mga dahon dahon at tawas tawas.. lumelevel-up ang lola mo: ITLOG ang peg!! oh di bah! ibang level? Hindi mo naisip na pwede palang gamitin ang itlog sa panggagamot. LOL! Anyway, konting dasal.. konting kembot… sabay basag ng itlog sa isang plangganang tubig.. violah!!! alam na ...

Play Play pag may Time

Naaalala nyo pa ba ang mga laro noong inyong kabataan? Sa panahon ngayon wala na halos interaction ang mga bata sa kanilang kalaro, more on virtual na ang kanilang mga bagong BFF’s… totoo nga siguro na the more connected you are, the more disconnected ka iyong ginagalawang mundo. Hindi na uso ang mga katagang: “Sige ka pag di mo na ako bati, di kita isasali sa laro.” na kalimitan kong nadidinig noong aking kabataan. Anway, dahil lumaki nga ako sa bundok ng tralala at malayo sa sibilisasyon kaya naman ang aming mga laro noon ay out of no where din. LOL! Hindi ko na sasabihin yung mga normal na laro tulad ng taguan, patintero, baril-barilan etc… Hayaan ninyong ikwento ko ang mga larong hindi ko alam kung paano namin na-imbento pero patok na patok sa aming magkakalaro noong bata pa kami. 1.) Alam ninyo yung mahuli taya na game? Yung pag nahuli ka, ikaw naman ang taya tapos habulan galore na parang wala ng bukas? Yun ang normal na laro ng mga tao.. hahahaha… pero sa amin di kami ba...

Rage at Windy Ridge

Sa mga katulad kong mahilig mag biyahe na parang si Drew (Biyahe ni Drew) for sure makakarelate kayo dito sa susunod kong kwento.  Sa tuwing magbibiyahe kami ni Nali, months before kami umalis inihahanda na namin ang lahat from airfares, hotel, car booking, itinerary ng mga papasyalan namin, etc. para di na kami na-stress pagdating sa lugar ng aming pupuntahan at hindi na-iba ng umuwi kami noong December para magpunta sa Tagaytay. Pabalik na kasi ang inay sa US at since hindi pa daw siya nakakata-Tagaytay kaya sabi ko kahit ilang araw lang kami sa Batangas dapat makapasyal kami khit 1day lang. hehehe. :)  October pa lang naka-prepare na ang lahat lalo na ang hotel namin titigilan. Research sa internet ng recommended hotel sa Tagaytay and dahil hindi ako masyadong familiar sa lugar kaya nag-based lang ako sa mga reviews ng mga guests kung okay ba ang hotel or not. Sa dami-rami ng aking makikitang hotel Windy Ridge ang sa palagay ko ay okay.  Sabi sa review ma...

Japan Japan sagot sa kahirapan Part 5

On our last day, we were supposed to attend the mass at Roponggi but we decided to attend na lang ng 12noon mass sa St.Ignacius near at Yotsuya Station para kahit paano maka-stay kami sa aming hotel. ‘lo and behold our breakfast even on our last day. hahahaha… anyway keriboom boom na atleast me laman ang tyan kesa naman walang laman davah! Sabi namin ni Nali we will go to Meiji Shrine since dahil kay Obama di kami naka-visit so mag-visit muna kami bago magsimba at pagdating namin sa station na suppose to be bababa kami. naligaw kami.. hahahaha… so we decided na dumerecho na lang kami sa simbahan baka mastress pa kami kahahanap ng simbahan in the end.  Kung ikaw ay nasa ibang bansa at gusto mong makakita ng pinoy… isa lang ang puntahan mo… simabahan…  kaloka ang daming pinoy… hehehe.. at wag ka meron pang nagtitinda pa ng pagkaing pinoy. hahaha.. SOPAS sagot sa malamig na panahon. hahaha. Anyway, while waiting kami na mag-start ang mass may grupo ng mga pinay na nasa li...

Japan Japan sagot sa kahirapan Part 4

Masarap ang breakfast sa aming hotel pero kung nakaka-apat na araw ka ng araw-arwa mo itong kinakain parang gusto mong sabihin.. Oh please wala na bang kayang lutuin ang chef ninyo. LOL! Anyway, wala naman choices kaya kain pa din knowing patay gutom mode ako lagi. LOL! Anyway, day 4 was very special since it was the day to go out Tokyo and headed to Mt.Fuji. We were supposed to travel from Tokyo to Hakone  atgood thing na lang hindi ko ginawa.. hahahaha.. baka along the way nag-aaway kami ni Nali kasi naligaw na kaming dalawa. hahahaha… Kung sa Tokyo me mga nag-e-effort pang uminglish baka sa area na pupuntahan namin wala na, at halos mamatay kami kahihila ng aming maleta. LOL! Maaga kaming gumising that day since maaga ang call time sa Keio Plaza Hotel at Sinjuku at knowing na sobrang lalayo ng mga stations ng train baka maiwan pa kami ng aming trip na binook ko online.  Pagdating namin sa Shinjuku.. jusme super lost in translation na naman kami. hahahaha… good thing...

Japan Japan sagot sa kahirapan Part 2 & 3

Totoo pala na ang balita na pag-jumapopo ka sa Japan talagang me painit pa sa pwet. hahahaha.. at kung talagang galit na galit ang tyan mo pwede kang magpatugtog ng Rock ’n Roll para di madinig ng katabi mong cubicle ang malakas mong jutot. hehehehe… On our 2nd Day sa land of the rising sun, we just wanted to relax and that was the day of real adventure. Our hotel is very near to Tokyo Station around 5 minutes walk so we just walked all the way to the station. Jusme if ang iniisip kong station is like one station with two tracks ng train eh good luck lang na lang. Para kaming mga lasing na di alam kung saan ang daan pauwi ng bahay. hahahaha… May mga signage naman pero Japanese naman eh saan ka naman lulugar. Hindi ko alam kung saan tutulo ang dugo ng aking ilong pag nagtanong ka sa mga tao kung saan ang direction. hahaha… LOST IN TRANSLATION.  Pero I love ang mga tao dito dahil kahit duguan na sila ka-e-explain sa iyo ng direction at duguan ka na din kaiintindi they are tr...

Japan Japan sagot sa kahirapan Part 1

Every year me and wife travel together during our wedding anniversary, and this year is not an exception. Since we never been in Japan, we decided to try it this year and knowing us talagang nagpa-plan kami ahead of time. We got our plane ticket via Delta Airlines na mura since direct flight from SG to Narita-Tokyo pa ang flight namin and our hotel is the newly opened Courtyard by Marriott at Tokyo Station. I had my excel prepared for our itinerary from Day1 to Day5. hehehehe…     We slept late ng Tuesday night since last minute packing kami dahil busy noong mga nagdaang araw and woke up super early at 230am dahil 530am ang flight namin. Super groggy pa kami ng dumating sa airport dahil sa antok at first time kong ma-experience na super strict ang airline. Before kami maka-checkin me interview pa kami ng officer **weird**. Anyway all passengers naman tinatanong nila. hehehe..  Siguro dahil papuntang US ang flight.  Infairness masarap ang curry sa Delta Airli...

SMELL-anie marquez versus DJ Love

Tayong mga pinoy (hindi naman lahat), masyadong tayong concious sa ating sarili lalo na sa ating amoy kaya naman ng una akong dumating sa ibayong dagat hindi ang ganda ng SG ang una kong napansin ngunit ang kahindik-hindik at makamatay kaluluwang amoy ng tao.hahaha. Kung nasa MRT ka sa pinas at may kasabay kang may putok dagdagan mo pa ng pinakulong medya s na bulok.. yun baka pwede ng itapat sa amoy. LOL! Bawat kulay ng train line dito feeling ko iba-iba ang amoy. Pagsumasakay ako ng green line (pioneer-pasir ris/changi), amoy panis na laway ang amoy ng train. hahahaha.. yung tipong pagbukas ng pinto ng train sabay ihip ng hangin... masasabi mo.. syet.. panis na laway na bulok. hahahaha... Yung tipong umalis ng bahay ang lahat ng pasareho ng hindi pa nagmumumog sa agahan. Mga ganon ang level. hahahaha. Sa purple line naman (harbourfront-ponggol), dati rati wala pang amoy ito pero ngayon, pinagsamang putok na nabulok na curry. hahaha... parang baktol (ika-pitong level ng putok). hahaha...

HALEY vs BOY BAWANG

  I know masama ang ugali ko at medyo mapanglait siguro dahil ako'y Pinoy. LOL!!! (talagang i-justify??)  Pero nagulat ako yung kasama kong Pana (i hope alam nyo na kung anong lahi ito... doon sa kanta ni Eddie Garcia dati na: ------ PANA kakana kana... gets nyo na?) Anyway nagulat ako ng sabihin nya sa akin na lahat ng kasama namin sa trabaho dati may codename siya. natawa ako sa sarili ko kasi hindi nya alam na may code din ako sa kanya.. hahahahaha... at ang worst sa code ng mga pinoy as in parang wala ng bukas pag nagbigay tayo ng code.. Ang mga code nya mga Hitler, Bulldog etc.. di ba walang kabuhay-buhay... pero ang mga codenames ko: Bugnot (kasi 7am pa lang mukhang galit na agad sa mundo), Panda (para kasing si Kung Fu Panda), si Hyper (500km/hr sa bilis magsalita.. hahahaha..) etc... May kasama kami sa trabaho ngayon at itago natin siya sa pangalang Haley. Bago lang siya sa amin kasi nalipat siya ng team sa amin. Anyway, wagas itong si Haley... malinis tingnan per...

Maxi-peel (Kutis Artista..Kutis Maxi Peel)

Naalala nyo pa ba ang commercial na Maxi Peel nina Claudine at Kristine noong kasikatan ng Walang Hanggan at Pangako Sa'yo? Yung commercial na may tagline: Kutis artista.. Kutis maxi peel. Ang susunod kong kwento ay hindi tungkol sa akin pero tuwing maaalala ko ito sobrang natatawa ako at dahil sensitive ang topic kya itatago natin sa pangalang 'Buknoy' ang ating bida ngayon. LOL... Jusme mahirap na baka maharangan ako sa kanto pagnalaman na siya ang topic natin. hahahaha.. Lumaki sa hirap si Buknoy at ang tanging ikinabubuhay ng pamilya ay ang pagbubukid. Noong kanyang teen years kasagsagan ng kanyang tighawat at kahit Master by Eskinol hindi ma-master kung paano patitigilin ang pag-usbong ng mga naglalakihang tighawat na parang merong sariling mga buhay. LOL! Ng lumabas ang patalastas ng Maxi Peel para siyang nabuhayan ng loob lalo na pag nadinig nya ang tagline: Kutis Artista... Kutis Maxi Peel. Sino ba naman ayaw magkaroon ng kutis artista? Yung makinis, fl...