Maaf
Ang salitang maaf ay buhat sa lengwaheng Bahasa na ang ibig sabihin ay patawad sa wikang Tagalog. Napaka-simpleng salita ngunit minsan napakahirap bigkasin at bigyang buhay.
Noong aking kamusmusan, sa tuwing magaaway ang mga bata sa aming mumunting paaralan sasabihin ng guro na: "O ikaw mag-sorry ka na! Wag na ulit kayong mag-aaway ha!" at matapos mag-sorry maglalaro na ulit na tila walang nangyari.
Ngayong ako ay tumanda napansin kong habang marami tayong natutunan, yung mga simpleng bagay ay ating nalilimutan. Simpleng sorry sa mga taong nasaktan natin kung minsan ay di natin mabigkas at lagi tayong may dahilan kung bakit ayaw nating sabihin. Pride ba ang ibig sabihin nun?
Reflection:
Kailan ka hihingi ng patawad sa taong iyong nasaktan? Kung kailan nakahiga na siya loob ng malamig na kabaong at hindi na niya madidinig ang iyong hinaing at pighati? Hindi ba't napasarap sa pakiramdam na makita mong napatawad ka ng taong iyong nasaktan?
Kapatid, hindi pa huli ang lahat... Ang sarap sabihing TGIF kung humingi ka ng patawad sa taong iyong nasaktan :)
#TGIF

Mga Komento