Senior Citizen
Galit na galit si haring araw ng mga panahon na yaon, mainit at talagang ikaw ay manlalagkit sa pawis. Sumakay ako sa train mula UN Station sa may Kalaw papuntang Gil Puyat kasama ang isa kong kaibigan. Edad bente or bente-uno pa lang ata ako ng mga panahon na yun. Masaya kaming nagkukuwnetuhan ng aking kaibigan ng walang pasintabing tumayo ang lalake na nakaupo sa Senior Citizen na upuan at buong ning-ning niyang inalay sa akin ang upuan. hahaha... Nagtinginan kami ng kaibigan ko at nasabi kong: "MUkha na ba talaga akong matanda?" sabay tawanan.
---
Nag-trabaho bilang implementation consultant sa citibank,makati. Ang trabaho: chikain ang mga boss ng iba't-ibang kumpanya. hahaha... Isang araw habang nagbigay ako ng training sa isang kumpanya sa Makati, eh ang tagal ng pinaka-big boss kaya kwentuhan kami ng Finance Manager. Ewan ko ba, bigla na lang niya akong tinanong:
"Ilang taon ka na?"
Syempre mega-smile pa ako at sinabing kong: "Sige ma'am hulaan nyo!"
At wala siyang pakundangang sinabing: "32!"
Jusme muntik na akong himatayin kasi 23 pa lang ako ng mga panahon na yun. huhuhu..
---
Heto isa pa, may presentation ulet ako sa isang client at habang busy pa ang VP nila nakaupo ako sa table ng isang manager. Maya-maya may nakita akong babae na dumaan sa aking harapan. Sabi ko sa Manager: "Ma'am si EXXXXXXX po ba yun?"
"Oo, bakit mo kilala?" wika ng manager
"Kasi po kaklase ko siya sa Adamson!"
"Talaga? Sandali tawagin ko."
Ako naman super smile kasi after ilang years nakita ko ang kaklase ko.
"EXXXXXXX, kaklase mo daw siya sa Adamson."
At heto ang sagot niya na gusto kong ikamatay.
"Ma'am, ganun na po ba ako katanda? hindi ko kilala yan."
WWWwwhhhhaaa... gusto kong sabihin: "floor Open, Renie jump, floor close.."
Kakainis, matapos ko siyang pakopyanin noong college... or rather matapos ko siyang kopyanan noong college.. di na niya ako kakilala... hahaha.. :)
Reflection:
Sa buhay natin, hindi natin maiiwasan ang dumaan sa mapanuring mata ng lipunan pero ano nga ba ang mas mahalaga. Ang makita ng tao panlabas na kaanyuan o ang panloob na kaanyuan?
Kaibigan, isa-isip natin na bilang isang Kristiyano dapat nasasalamin sa atin ang kabutihan ng panginoon. Mahirap manuhay sa mundo nating ginagalawan pero sabi nga hindi ka makakarating sa iyong paroroonan kung hindi mo sisimulan sa mga mumunting hakbang.
Dumadalangin ako na sana masalamin naman sa bawat isa sa atin ang kabutihan ng Diyos.
#TGIF

Mga Komento